Talambuhay ng Prinsesa
Si Sarah Crewe ay nagmula sa isang mayamang pamilyang Ingles na naninirahan sa India. Siya ay nagsimulang mag-aral sa sa isang boarding school sa London kung saan niya naipakita ang kanyang galing at katalinuhan. Dahil sa kanyang kabaitan, minahal siya ng kanyang mga kamag-aral. Subalit nagbago ang lahat sa buhay ni Sarah nang mamatay ang kanyang ama sa isang aksidenteng naganap sa minahang kanyang pinagtatrabahuan. Naubos din ang kayamanan ng pamilyang Crewe. Dito na naranasan ni Sarah ang hirap ng buhay nang gawin siyang ng mismong punungguro katulong sa paaralang kanyang pinapasukan. Ngunit sa tulong ng kanyang mga mabubuting kaibigan ay nalagpasan lahat ni Sarah ang mga pagsubok na dumating sa kanya. Di naglaon ay muli ulit niyang naranasan ang karangyaan sa buhay nang makilala ang kaibigan ng kanyang ama na siyang kumupkop sa kanya. Pasasalamat
Junna Faith N. Obogne |