Nakatala sa pahinang ito ang ilan sa mga katangi-tanging impormasyon tungkol sa akin.
#5FactsAboutMe
O tanoshimi kudasai!
#5FactsAboutMe
O tanoshimi kudasai!
Ang Princess Sarah, halaw mula sa nobela ni Frances Hogson Burnett na pinamagatang “A Little Princess”, ay naunang ipinalabas noong 1985 sa Japan bilang isang Japanese Anime series. Ang kuwento ay nasubaybayan sa 46 na episodyong likha ng Nippon Animation at ng Aniplex.
#5FactsAboutMe
#5FactsAboutMe
Ang "Princess Sarah" ay naisapelikula sa Pilipinas noong 1995 sa direksyon ni Romy Suzarra. Tinawag ito bilang "Sarah… Ang Munting Prinsesa". Ilan sa mga sikat na artistang nagsipagganap dito ay sina Camille Prats bilang si Sara Crewe, Angelica Panganiban bilang si Becky at Jean Garcia bilang Ms. Minchin.
#5FactsAboutMe
#5FactsAboutMe
Ipinalabas din ang Princess Sarah sa ABS-CBN Teleserye mula Novermber 12, 2007 hanggang December 21, 2007. Upang bigyan ng kakaibang karanasan ang mga manonood, nagkaroon ng ilang pagrerebisa sa istorya tulad na lang pagpapakilala ng mga bagong tauhan tulad ng sorceress na si Ram Dass, si Lavinia bilang anak ni Miss Minchin at iba pang elemento ng pantasiya. Sa pagkakataong ito, ang gumanap naman bilang si Princess Sarah ay si Sharlene San Pedro.
#5FactsAboutMe
#5FactsAboutMe
Ito ang manika kong si Emilie. Siya ang kasama ko sa kaligayahan maging sa kalungkutan. At siguro nga siya na ang maituturing ko aking pinakamatalik na kaibigan :)
Maraming salamat, Emilie!
#5FactsAboutMe
Maraming salamat, Emilie!
#5FactsAboutMe
Maliban kay Emilie, isa na nga sa maituturing kong pinakamahalagang bagay sa aking buhay ay ang locket/kwintas na bigay ng aking mga magulang. Marahil ay ganun na nga lang ang aming pagsisikap na mabawi ito mula kay Miss Minchin na makikita sa maikling klip sa itaas. Salamat sa aking mga kaibiigan! :)
#5FactsAboutMe |